^

Metro

Rider pisak sa oil tanker

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Napisak ang katawan at nasawi ang 38-anyos­ na lalaking nagmo­motorsiklo matapos mahagip ng oil tanker sa Lam­bingan Bridge sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ociel Justino Jr. ng #193 Fabella St., Mandaluyong City.

Tumakas naman ang driver ng tanker (RFH 744) na si Ortiz Isabelo Ramos, 72, ng  #930 Ka­palaran St., Mandaluyong City.

Sa ulat ng Manila Police District-Traffic Bureau, dakong alas-10 ng umaga nang maganap ang insidente sa pababang bahagi  ng Lambi­ngan Bridge sa panulukan ng New Panaderos at A. Bautista Street.

Nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng oil tanker kaya inararo ang motorsiklo (1604-US) ng biktima at ang Honda Civic (NQG-164).

Napag-alamang pumasok ang motorsiklo sa ilalim ng tanker kasama ang rider habang sinalpok din ang isang hardware at ang poste ng kuryente.

Rumesponde naman ang ilang bumbero sa pangambang sumabog ang tanker habang iniwan ng driver ang tanker na umaandar pa ang makina kaya pinatay ito ng mga awtoridad.

vuukle comment

BAUTISTA STREET

FABELLA ST.

HONDA CIVIC

KINILALA

LAMBI

MANDALUYONG CITY

MANILA POLICE DISTRICT-TRAFFIC BUREAU

NEW PANADEROS

OCIEL JUSTINO JR.

ORTIZ ISABELO RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with