^

Metro

Pagsasaayos ng plaza suportado ng NGO's

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pasa­salamat at kagalakan si Manila Mayor Alfredo Lim sa suporta ng isang non-go­vernment organization (NGO) para sa `clean and green’ campaign nito at pagpapaganda ng park sa lungsod.

Kasama si dating Miss International at ngayo’y Manila Historical and Heritage Commision vice chair Gemma Cruz-Araneta sa turnover ng ornamental seedlings, nagpasalamat si Lim sa Community Chest Foundation, Inc. (CCFI) sa pangunguna ng pangulo nito na si Atty. Pablo Ronquillo, sa pag-adopt sa Plaza Olivia Salamanca sa panulukan ng T.M. Kalaw at Taft Avenue kung saan tinaniman ng mga halaman.

Kasabay nito, nanawagan si Lim sa mga namamasyal na panatilihing malinis sa lahat ng oras ang plaza.

Maging sina Supt. Rolando Tumalad, ng Manila Police District Station 5, Parks Bureau Director Engr. Deng Manimbo, Giovani Evangelista, at Department of Public Services chief ret. Col. Carlos Baltazar ay inatasan ni Lim na siguraduhing tutubo ng maayos ang mga bagong tanim na halaman na makakadagdag ng ganda ng lugar.

Umaasa si Lim na may iba pang mga NGO’s na magbibigay din ng tulad na suporta sa lungsod para na rin sa turismo.

vuukle comment

CARLOS BALTAZAR

COMMUNITY CHEST FOUNDATION

DENG MANIMBO

DEPARTMENT OF PUBLIC SERVICES

GEMMA CRUZ-ARANETA

GIOVANI EVANGELISTA

MANILA HISTORICAL AND HERITAGE COMMISION

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT STATION

MISS INTERNATIONAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with