^

Metro

Pagiging sex slave, pambubuntis ni kuya nabuking

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nabuking ang ginawang kahalayan at pagsi-sex slave ng isang 32-anyos na lalaki sa kanyang kapatid na babae matapos itong ireklamo ng pambubugbog kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakakulong ngayon sa Caloocan City Police detention cell ang suspect na si Rommel Vene­zuela, ng Bagong Barrio East habang iti­nago naman sa pangalang Alexan­dra, 27, ang biktima.

Sa report ng Calo­ocan City Police, dakong alas-8 ng gabi nang ireklamo ng biktima ang suspect na kanyang kuya dahil sa ginagawang panggugulpi nito. Habang iniimbestigahan, ibinunyag ng limang taong gulang na anak ng biktima ang panggugulpi at pagsasamantala ng suspect.

Dahil dito, napilitan nang umamin ng biktima na ginawa siyang sex-slave ng kanyang kuya hanggang sa nagbunga ang kahalayan ng suspect na ngayon ay nasa tatlong taong gulang na.

Nabatid na hiwalay na sa kanyang asawa ang biktima at ang suspect na mismong kuya nito ang kanyang kinakasama ngayon.

ALEXAN

BAGONG BARRIO EAST

CALO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CITY POLICE

DAHIL

HABANG

NABATID

ROMMEL VENE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with