^

Metro

4 na public swimming pool libre sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Libre at walang bayad­ ang pagsu-swimming sa apat na pampublikong swimming pool ng lungsod ng Maynila bilang tugon sa panganib na dulot ng paglangoy sa Manila Bay.

Ito naman ang tiniyak ni Manila City Administrator Jesus Mari Marzan kasabay ng pagdagsa ng mga taong nais na magswimming sa Manila Bay dahil na rin sa tindi ng init ng panahon.

Ayon kay Marzan, walang dapat na bayaran ang sinumang magsu-swimming sa apat na pool ng city go­vern­ment na kinabibila­ngan ng nasa Army-Navy, Bagong Buhay, Dapitan Sports Complex at Tondo Sports Complex.

Sinabi ni Marzan na mas makabubuti kung sa mga nasabing pool na lamang maglalangoy ang mga nais na maligo upang makaiwas sa anumang sakit na nakukuha mula sa maruming tubig ng Manila Bay.

Giit ni Marzan, hindi na rin dapat na isama sa pagligo sa Manila Bay ang mga bata na ma­daling kapitan ng sakit.

Aniya, mas ligtas sa mga pool dahil bukod sa nilalagyan ito ng chlorine upang maalis ang mga kemikal, may sapat na bantay na nakatalaga rito.

Paliwanag ni Marzan, hindi malayong magkasakit ng diarrhea, iba’t ibang skin disease at eye infection ang mga lumalangoy sa Manila Bay dahil alam naman ng lahat na polluted ang nasabing lugar.

Umapela rin si Marzan­ sa mga nagsu-swimming sa Manila Bay na isaalang-alang ang kanilang kalusugan lalo pa’t gumagawa rin ng mga precau­tionary measure ang city govern­ment.

Sa katunayan ay nilagyan na ng pader at harang ang Manila Bay upang hindi na ma­pa­sok at matiyak ang seguridad ng mga namamasyal subalit binabalewala ng publiko.

vuukle comment

BAGONG BUHAY

BAY

DAPITAN SPORTS COMPLEX

MANILA

MANILA BAY

MANILA CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

MARZAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with