Umbagerong mister pinahuli ni misis

MANILA, Philippines - Arestado ang isang  la­sing na mister matapos bugbugin at sakalin nito ang kanyang  misis  nang hindi magbigay ng pamtoma sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Tila wala namang pagsisisi ang suspect na si Fidel De Guia, 35,  ng Ga­licia St., Bgy. Bangkulasi ng nabanggit na lungsod kasabay ng pagsasampa ng kaso ng kanyang misis na si Arlyn, 33.

Sa pahayag ng biktima alas-4:00 ng hapon kamakalawa nang umuwi siya sa kanilang bahay ga­ling sa trabaho at nada­t­nan ang asawa na lasing na lasing.

Pilit na humihingi ng pang­toma ang suspect, na hindi naman pinagbig­yan ng biktima na na­ging dahilan upang bug­ bugin at saksakin nito ang huli.

Umawat ang mga anak ng mag-asawa at ilang kapitbahay na naging dahilan upang makalabas ng bahay si Arlyn at ipa­dampot ang asawa sa mga pulis.

Show comments