Umbagerong mister pinahuli ni misis
MANILA, Philippines - Arestado ang isang lasing na mister matapos bugbugin at sakalin nito ang kanyang misis nang hindi magbigay ng pamtoma sa Navotas kamakalawa ng hapon.
Tila wala namang pagsisisi ang suspect na si Fidel De Guia, 35, ng Galicia St., Bgy. Bangkulasi ng nabanggit na lungsod kasabay ng pagsasampa ng kaso ng kanyang misis na si Arlyn, 33.
Sa pahayag ng biktima alas-4:00 ng hapon kamakalawa nang umuwi siya sa kanilang bahay galing sa trabaho at nadatnan ang asawa na lasing na lasing.
Pilit na humihingi ng pangtoma ang suspect, na hindi naman pinagbigyan ng biktima na naging dahilan upang bug bugin at saksakin nito ang huli.
Umawat ang mga anak ng mag-asawa at ilang kapitbahay na naging dahilan upang makalabas ng bahay si Arlyn at ipadampot ang asawa sa mga pulis.
- Latest
- Trending