^

Metro

Umawat sa away, driver utas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dahil sa pakikialam sa isang away, nabaril at napaslang ang isang tri­cycle driver ng hindi pa na­kikilalang salarin sa gilid ng isang sementeryo sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa San Juan De Dios Hospital ngu­­nit nalagutan rin ng hininga ang biktimang si Hassim Lasarin, ng Sgt. Mariano St., Bgy.146.  Nag­tamo ito ng tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa noo.

Sa ulat ng Pasay City Police, sinabi ng isa pang tricycle driver na si Jhun Sulaiman na nakapila at nag-aabang sila ng pasahero sa harapan ng isang convenience store sa kanto ng Sgt. Mariano at EDSA nang magkaroon ng kaguluhan sa gilid ng sementeryo sa Don Carlos Revilla St. dakong alas-9 ng gabi.

Tinangka umanong uma­­wat sa nangyayaring­ kaguluhan si Lasarin suba­lit bigla na lamang may nagpaputok ng baril at bumu­lagta ang duguang biktima. 

Patuloy ngayon ang im­­bestigasyon ng pulisya upang mabatid kung sinu-sino ang sangkot sa na­tu­rang kaguluhan at ma­­laman ang buong pangyayari upang mahabol ang salarin na pumaslang kay Lasarin.

vuukle comment

DON CARLOS REVILLA ST.

HASSIM LASARIN

JHUN SULAIMAN

LASARIN

MARIANO ST.

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with