^

Metro

Shoot to kill order inutos vs 2 pulis

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpalabas kaha­pon si Manila Mayor Alfredo Lim ng “shoot to kill order” laban sa dalawang pulis na kapwa sangkot sa karumal-dumal na pamamaslang sa magkahiwalay na insidente sa Maynila.

Sa isinagawang press conference, inatasan rin ng alkalde si Manila Police District Director, Chief Supt. Alex Gu­tierrez na magsagawa ng manhunt laban sa dismiss police na si PO2 Rommel Fortuno, dating nakatalaga sa Caloocan City Police at residente ng no. 783 Int. 62 Raxabago St., Tondo, Manila at PO1 Fulgencio “Bong” Sideco, nakatalaga sa NCRPO, Bicutan ng No. 309 Simon St., Tondo, Manila.

“Kapag nanlaban sila, barilin sila, dahil mapanganib ang mga ito”, ani Lim.

Nabatid na pinatay ni Fortuno noong Pebrero 9, si SPO1 Rodrigo Cortez, nakatalaga sa HPG sa Camp Crame sa may Tayuman, Sta. Cruz, May­nila, matapos ma­laman na nobya na ng huli ang dati niyang kinakasama na si Cindy Laguardia.

Noong Abril 7, pi­nagbabaril rin ni Fortuno si Kim Tanyog, pin­san ni Laguardia at police asset ng MPD-hs, nang tumanggi itong ituro sa suspect ang ki­naroroonan ni Laguardia.

Samantala, 12 bala ng M-16 rifle ang inubos ni Sideco, sa biktimang si Danilo Serrano, 63, noong Abril 3 sa panulukan ng Lacson at Romana Sts., sa Tondo, Maynila sa hindi malamang dahilan.

Sa kabila ng patuloy na pagtatago, ay bi­na­bantaan pa rin nito ang pamilya ni Serrano.

Ayon sa alkalde da­ pat na mahuli sa lalong madaling panahon ang mga pulis na wanted para di na makapambiktima.

Nabatid naman kay Homicide Section chief Joey de Ocampo, na armado si Fortuno ng 12-gauge shotgun at handgun habang M-16 rifle at .9mm pistol naman ang kay Sideco. Si Sideco ay kilalang drug addict sa kanilang lugar.

Idinagdag pa ni Gutierrez na hindi rin nakikipagtulungan sa kanila ang mga pamilya ng mga suspect.

vuukle comment

ALEX GU

CALOOCAN CITY POLICE

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CINDY LAGUARDIA

DANILO SERRANO

FORTUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with