MANILA, Philippines - Tatlo katao ang patay habang sugatan naman ang 14 na iba pa matapos sumalpok ang isang provincial bus sa isang truck sa North Luzon Expressway (NLEX), Valenzuela City kahapon ng umaga.
Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan sina William De Jesus, 54, driver ng Genesis Bus, at tubong Rizal, Pilar Bataan; konduktor na si Jonalito Junio at pa saherong si Aguilar Bonza, 49, ng Dinalupihan, Bataan.
Isinugod naman ang 14 na sugatan sa Manila Central University (MCU) Hospital na pawang mga pasahero ng Genesis Bus na may plakang (TWJ-568).
Sa ulat ng Valenzuela City Traffic Enforcement Group, da kong alas-4:45 ng umaga nang maganap ang insidente.
Binabagtas ni De Jesus ang NLEX patungong Maynila nang pagsapit sa General T. De Leon, Valenzuela City ay bigla na lamang nitong sinalpok ang nasa unahang truck (RKE-803), na minamaneho naman ni Elmer Gomez.
Sa lakas ng pagsalpok ay napuruhan ang mga nasawi na nasa unahan ng upuan ng bus. Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang nakatulog si De Jesus habang nagmamaneho.
Patuloy na iniimbestigahan ang nasabing insidente.