^

Metro

Truck inararo ng bus: 3 patay, 14 sugatan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang patay habang sugatan naman ang 14 na iba pa matapos sumalpok ang isang provincial bus sa isang truck sa North Luzon Expressway (NLEX),  Valenzuela City kahapon ng uma­ga.

Dead on the spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan sina William De Jesus, 54, driver ng Genesis Bus, at tubong Rizal, Pilar Bataan; konduktor na si Jonalito Junio at pa­­ saherong si Aguilar Bonza, 49,  ng  Dinalupihan, Bataan.

Isinugod naman ang 14 na sugatan sa Manila Central University (MCU) Hospital na  pawang mga pasahero ng Genesis Bus na may plakang (TWJ-568).

Sa ulat ng Valenzuela City Traffic Enforcement Group, da­ kong  alas-4:45 ng uma­ga nang maganap ang insidente.

Binabagtas ni De Jesus ang NLEX patungong Maynila nang pagsapit sa General T. De Leon, Valenzuela City ay bigla na lamang nitong sinalpok  ang nasa unahang truck (RKE-803), na minamaneho naman ni Elmer Gomez.

Sa lakas ng pagsalpok ay napuruhan ang mga nasawi na nasa unahan ng upuan ng  bus. Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang nakatulog si De Jesus habang nagmamaneho.

Patuloy na iniim­bestigahan ang nasabing insidente.

vuukle comment

AGUILAR BONZA

DE JESUS

DE LEON

ELMER GOMEZ

GENERAL T

GENESIS BUS

JONALITO JUNIO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with