Pekeng pulis, 1 pa dakma

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng 20-anyos na anak ng pulis-Maynila at kasama nito matapos arestuhin dahil sa pagsusuot ng uniporme ng pulis at pagdadala ng replika ng baril sa Quezon City, kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Norberto Babagay, hepe ng Quezon City Police District Police Station 11 ang suspect na si Erick Joshua Quiambao, 20, ng #5 Amerities Street, Pine City Royal, Antipolo City; at Ronald Osorio, 28, ng #395 Langka St., Brgy. San Isidro, Balante, Cainta, Rizal. Ang mga suspect na kapwa walang helmet ay sakay ng motorsiklo (2097-TJ) kaya sinita subalit tumakas at nakorner naman ng mobile patrol ni PO3 Sennen Santos.

Show comments