^

Metro

2 hulidap na pulis-Maynila pinasisibak

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinasisibak ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang dalawang pulis-Maynila na tumangay ng malaking halaga mula sa dalawang Koreano noong Sabado ng madaling-araw (Abril 7) malapit sa Malate Church sa Maynila.

Bukod sa kasong adminis­tratibo, nahaharap din sa kasong kriminal sina PO2 Reynaldo Faller Olivo, 37, ng Blk.5 Lot 11, Model Community, Tondo, Manila at PO1 Vincent Paul Ubaldo Medina, 26, ng #2253 F.Munoz Street, Singalong, Malate, Manila na positibong itinuro sa profile photo nina Korean victims Lee  Jun Hee at Baek Sung Kyun.

Batay sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw noong Sabado de Gloria­ nang hintuan ng mobile car nina Olivo at Medina ang dalawang biktimang Koreano­ kung saan hinuli saka nilimas ang P20,000.

Ayon kay Lim, tulad ng kanyang mga sinasabi, walang puwang sa Manila Police District ang mga tiwaling alagad ng batas lalo na ang mga nanloloko ng sibilyan na walang kalaban-laban.

Sinabi ni  Lim sa mga magpupulis na hindi ito ang lugar o trabaho na pinagkakakitaan ng  pera. Prayoridad dito ay ang pagbibigay ng serbisyo.

Sinamahan naman nina Wesley Co at Leo Anthony Balantac ng Korean Embassy’s legal office,  ang dalawang biktima upang magsampa ng kaso sa MPD-General Assignment Section.

Dismayado  naman  si P/Supt. Jemar Modequillo sa ginawa ng kanyang mga tauhan kung saan sinabi nito na hindi niya kukunsintihin sina Olivo at Medina.

BAEK SUNG KYUN

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

JEMAR MODEQUILLO

JUN HEE

KOREAN EMBASSY

KOREANO

LEO ANTHONY BALANTAC

MALATE CHURCH

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with