Senglot nahulog sa creek habang umeebak

MANILA, Philippines - Dala ng matinding kalasingan, isang 40-anyos na mister ang nalunod ma­tapos mahulog sa creek ha­bang umeebak kahapon ng umaga­ sa Sampaloc, Maynila.

Ayon  kay SPO3 Benito Cabatbat, imbestigador ng Manila Police District-Ho­micide section, nakilala ang nasawi na si Alberto Billeza ng Florentino Cayco, Loyola­, sa nasabing lugar.

Nabatid na dakong alas-9 ng umaga nang ma­tagpuan ng ilang concerned citizen ang bangkay ng biktima sa creek sa Lacson St. malapit sa panulukan ng Loyola Street.

Huling namataan ang biktima na umiinom ng alak dakong alas-2 ng hapon kamakalawa.

Ayon sa pulisya, posib­leng nagtungo ang biktima sa creek upang umebak dahil nakababa pa ang pantalon nito nang ma­walan ng balanse sa sobrang kalasingan at nag-dive sa maruming ilog.

Agad namang ipinagbigay-alam ang insidente kay Chairwoman Re­medios Santos ng Barangay 461 Zone 45 Dist.4 kung saan kinontak naman ang pu­lisya.

Show comments