^

Metro

2 kotse tinangay ng carjacker

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Magkasunod na tina­ngay ng tatlong armadong carjacker ang mamahaling sports utility vehicle ng account executive ng Manila Broadcasting Company (MBC) at isa pang kotse na nakaparada sa car wash station kahapon ng ma­daling-araw sa Pasay City.

Tinangay ang To­yota Fortuner (NOL-181) ni Reynante Adrin, 56, execu­tive ng MBC at ang Mazda 3 na pag-aari ni Bernard Pascual, 44.

Ayon sa dalawa, pi­naka-carwash nila ang kani-kanilang sasakyan dakong alas-12:50 ng madaling-araw sa Neat Freak Carwash sa # 2015 Gil Puyat Avenue, Pasay City nang tutukan ng mga armadong kalalakihan.

Puwersahang kinuha ng mga carjacker ang mga susi saka minaneho ang dalawang sasakyan patungo sa hindi nabatid na direksyon.  

Tinangay din ang susi ng taxi ni Reggi Botin, 34, upang hindi umano masundan sa pagtakas.

Ayon kay P/Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Station Investigation Division ng Pasay PNP na nakunan naman ng CCTV camera ang insidente na kasalukuyang sinusuri ng pulisya upang makilala ang mga suspect.

Inalarma na ng Pasay PNP sa lahat ng sangay ng kapulisan sa Metro Manila at karatig lalawigan upang magsagawa ng operasyon laban sa mga carjacker.

AYON

BERNARD PASCUAL

CHIEF INSP

GIL PUYAT AVENUE

JOEY GOFORTH

MANILA BROADCASTING COMPANY

METRO MANILA

NEAT FREAK CARWASH

PASAY

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with