Retiradong AFP colonel nilikida

MANILA, Philippines - Napaslang ang 56-anyos na retiradong opisyal ng Philippine Marines makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harapan ng kanyang bahay sa Brgy. Parang, Marikina City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jaime Naval, dating Philippine Marine colonel na nakatalaga sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Lumilitaw na nakikipag­huntahan ang biktima sa kaibigan sa harapan ng kanyang bahay sa Palaris St. sa nasabing ba­rangay nang lapitan at pagba­barilan.

Naisugod pa ang biktima sa ARMMC ngunit idinekla­rang patay dahil sa matinding tama ng mga bala ng baril.

Naalarma naman ang National Capital Regional Police Office sa magkakasunod na paghahasik ng karahasan ng riding-in-tandem kung saan nababahala na ang taumbayan kung saan inatasan naman ni P/Senior­ Supt. Gabriel Lopez na paigtingin pa ang seguridad partikular sa mga gumagamit ng motorsiklo.

Show comments