2 dinedo sa Internet shop

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang nasa kritikal namang kalaga­yan ang sanggol na babae makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan ang Internet shop sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kapwa napuruhan sa ulo ang mga biktimang sina Rene Sabe, 29, ng #176 Phase 3, Gozon Compound, Folvi Homes, Letre, Brgy. Tonsuya; at Alfredo Prieto, 21, clown performer, ng #224 Lupa Compound, Letre.

Samantala, ginagamot naman sa San Lazaro Hospital ang 11-buwang gulang na sanggol na si Zaireh Lopez.

Base sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Gregorio Catacutan, hepe ng Station Investigation Division ng Ma­labon City PNP, naganap ang pamamaril bandang alas-8:30 ng gabi sa labas ng Internet shop sa Flovi Homes 4, Paradise Village sa Brgy. Tonsuya.

Lumilitaw na naglalaro ng computer game ang dalawa nang tawagin ng isa sa gunmen si Prieto at nang lumabas ito ay umali­ngawngaw ang sunud-sunod­ na putok ng baril habang sinunod namang ratratin si Sabe.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang sanggol habang karga ng kanyang ama na naglalakad sa harap ng nasabing shop.

Show comments