Guimaras handa na sa Manggahan Festival
MANILA, Philippines - Nakatakdang isagawa ng Manggahan Festival Foundation, Inc., mula Abril 10 hanggang 22 ang 2012 Manggahan Festival upang ipakita hindi lamang ang matatamis at magagandang mangga sa Pilipinas kundi ang kultura ng lalawigan ng Guimaras.
Ayon kay Mr. Henry Babiera, President of the Manggahan Foundation Inc. layon ng pagdiriwang na pagbuklurin ang iba’t ibang grupo at komunidad sa lalawigan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang talento.
“The foundation is introducing innovations to make this year’s festival a unique and meaningful one,” ani Babiera
Magiging bahagi ng Manggahan Festival celebrations ang 2012 Mango Man Triathlon lalo pa’t ang lalawigan ng Guimaras ay tamang lugar para sa pagpapalago ng sports tourism .
Ang pagdiriwang ay isasagawa sa Abril 10 na pinamagatang Manggahan at Robinsons. Ang programa ay hanggang sa Abril 14 kung saan kabilang dito ang Disco Derby (April 11); Mutya ng Guimaras Fashion Show (April 13); 1st Mango Man Triathlon & 2nd Manggahan Fun Run (April 15); Street Dancing Competition at Opening Program of the Agri-Trade Fair 2012 (April 16); Visayas Science and Technology Forum and Mutya ng Guimaras (April 17); Mango Eat-All-You-Can (April 18-22), 1st Manggahan Culinary Arts Competition, Guimaras Got Talent (April 18); Mutya ng Guimaras 2012 (April 20); ABS-CBN Kapamilya Night 2012 (April 21); Manggahan Festival 2012 Tribes Competition (April 22).
- Latest
- Trending