^

Metro

OSMA direktor, sibak sa palpak na pamamalakad

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dahil sa mababang uri ng pagbibigay ng serbisyo sa mga pasyente, sinibak ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang direktor ng Ospital ng Maynila (OSMA) matapos ang isinagawang sopresang  pagbisita sa nabanggit na ospital noong Linggo ng umaga kasama ang mga opisyal ng local na pamahalaan ng Maynila.

Ipinalit ng alkalde kay da­ting OSMA director Dra. Janet Tan, ang kanyang deputy­ director na si Evangeline Morales.­

Kasama ng alkaldeng nag-inspeksiyon sa OSMA sina secretary to the mayor Atty. Rafaelito Garayblas, city administrator Jay Marzan, legal officer Renato dela Cruz, social welfare chief Jay dela Fuente, department of public services chief ret. Col. Carlos Baltazar at chief of staff atmedia bureau director Ric de Guzman.

Nilibot ng alkalde ang lahat ng pasilidad, binusisi ang operasyon at ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mahihirap na residente ng naturang hospital.

Bumuo rin ng grupo ang alkalde na magsasagawa ng ebalwasyon sa kasalukuyang estado ng OSMA, para ma-improve ang serbisyong ibinibigay sa mga mahihirap na residente ng Maynila.

Bukod sa pag-iikot sa pasilidad, kabilang na ang comfort rooms, pharmacy at stock room, tiningnan din ni Lim ang kondisyon ng mga pasyente na nasa mga wards at emergency room.

Nag-iwan ng financial assistance sa mga pasyente, na labis namang ikinatuwa ng mga pas­yente.

BUKOD

BUMUO

CARLOS BALTAZAR

EVANGELINE MORALES

JANET TAN

JAY MARZAN

MANILA MAYOR ALFREDO S

MAYNILA

RAFAELITO GARAYBLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with