Pedicab driver dinedo sa Divisoria

MANILA, Philippines - Patay sa tinamong saksak at tama ng bala ang 33-anyos­ na pedicab driver sa hindi pa kilalang salarin sa Tondo, Maynila­, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jose Subido, ng Gate 56 Area H, Parola compound, Tondo, Maynila bunsod ng pamamaril at pananaksak.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang magulat ang misis ng biktima na si Mary Ann Subido, vendor sa Divisoria market, nang ibalita sa kanya ang nangyari sa mister na agad niyang pinuntahan sa kanto ng Elcano at Recto Sts., Tondo, kung saan inabutan itong nakahandusay at duguan.

Hindi pa mabatid kung sino ang pumaslang sa biktima at kung ano ang posibleng motibo rito.

Show comments