^

Metro

Chemical leak sa Pasig

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nag­tamo ng mga paso sa katawan makaraan ang pagtagas ng kemikal sa isang pabrika ng candy sa Pasig City nitong Linggo ng gabi.

Sa inisyal na ulat na ini­labas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), unang na-monitor dakong alas-6 kamakalawa ng gabi ang tagas ng kemikal na “ammonia­” sa Polar Bear Plant sa may Amang Rodri­guez, Brgy. Manggahan ng naturang lungsod.

Nagtamo ng mga 1st degree­ burn ang 34-anyos na si Johnny Rey Abaco, ng Marikina City at si Cele­tonio Tamayo, empleyado ng pabrika habang nagsikip din ang paghinga ng 14-anyos na si Cherry Pearl Academia na nilapatan ng paunang lunas at pinauwi rin kinalaunan.

Nilinaw ni Pasig City Command Center Supervisor Simeon Sombrero na walang pagsabog na naganap kundi pagsingaw lamang sa naturang pabrika. Agad namang kinordon ang naturang lugar at hindi na pinadaanan ng mga motorista sa kalsadang katapat ng planta habang patuloy ang ginagawang inspeksyon ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan at ng NDRRMC.

Kinastigo naman ng grupong EcoWaste Coalition ang pamahalaang nasyunal at ang pamahalaang lokal ng Pasig City dahil sa kawalan ng umano’y tamang “Chemical Accident Prevention and Preparedness Policy.

AMANG RODRI

BRGY

CHEMICAL ACCIDENT PREVENTION AND PREPAREDNESS POLICY

CHERRY PEARL ACADEMIA

JOHNNY REY ABACO

MARIKINA CITY

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PASIG CITY

PASIG CITY COMMAND CENTER SUPERVISOR SIMEON SOMBRERO

POLAR BEAR PLANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with