^

Metro

Vendor utas sa kapwa vendor

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dead-on-arrival sa Quezon City General Hospital (QCGH) ang isang fruit vendor makaraang saksakin sa dibdib ng kapwa vendor na umano’y naghiganti sa pambubugbog sa kanya ng ilang kapitbahay ng una sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) kinilala ang biktima na si Rene Sumagdon, 24, binata ng Sitio Militar Brgy. Bahay Toro sa lungsod.

Mabilis namang tumakas at ngayon ay tugis ng awtoridad ang suspect na si Ernesto Sedon, alyas “Bitok”, 26, vege­table vendor, ng #41-1 Sitio Militar sa nasabi ring barangay.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jaime Jimena, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may #16 Kadena de Amor St., Brgy. Bahay Toro ganap na alas-9:45 ng gabi.

Bago ang insidente, nanood umano ng bilyar ang biktima sa nasabing lugar nang biglang dumating ang suspect na may hawak na icepick saka sinaksak sa dibdib ang una

Sa panayam ni Jimena sa isang Reynaldo Abudi, ilang buwan na umano ang nakakalipas ay pinagbubugbog ng ilang istambay sa lugar ang suspect dahil sa utang nito sa kapitbahay ng biktima na hindi nababayaran.

Pero inamin ni Abudi na hindi kasama si Sumagdon sa mga nambugbog sa suspect.

Gayunman, patuloy na iniimbes­tigahan ng CIDU ang nasabing insidente, habang pinaghahanap ang nasabing suspect.

vuukle comment

AMOR ST.

BAHAY TORO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ERNESTO SEDON

JAIME JIMENA

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RENE SUMAGDON

REYNALDO ABUDI

SITIO MILITAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with