^

Metro

PNP-NCR handa na ngayong Holy Week

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Philippine National Police-National Capital Region na handa na ang kanilang buong puwersa sa pagbibigay ng seguridad sa paggunita ng Semana Santa.

Ang paniniyak ay ginawa ng mga dumalong Spokesperson mula sa Manila Police District (MPD),Southern Police District (SPD) at Quezon City Police District sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan.

Ayon kay Sr. Insp. Erwin Margarejo ng MPD, may 500 pulis-Maynila ang ikakalat sa mga matataong lugar sa lungsod habang tiniyak naman ni Supt. Jenny Tecson ng SPD na may 800 pulis SPD ang ikakalat sa may 29 bus terminal at 108 simbahan na kanilang nasasakupan.

Sinabi naman ni Sonny Mirasol, consultant ng QCPD na may sapat din silang puwersa na mangangalaga sa seguridad ng publiko na pupunta sa simbahan at bus terminal sa pagsisimula ng Holy Week.

Nagsagawa na rin ng iba’t ibang inspection ang police district sa mga bus ter­minal lalo pa’t inaasahan ang paghahabol ng ibang nais na umuwi sa kanilang probinsiya.

Kasabay nito, sinabi rin ng tatlong Spokesman na dapat na maging alerto, res­ponsable at mapag­mat­yag ang mga mamamayan ngayong panahon ng Semana­ Santa laban naman sa mga kriminal.

Dapat din umanong makipagtulungan ang publiko sa pulisya sa pagresolba ng krimen. 

ERWIN MARGAREJO

HOLY WEEK

JENNY TECSON

MANILA POLICE DISTRICT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SEMANA SANTA

SONNY MIRASOL

SOUTHERN POLICE DISTRICT

SR. INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with