MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na binata ang binaril at napatay ng tatlong kalalakihang lango sa bawal na droga sa Malabon City kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Marvin Rentazida ng Flovi Homes 4, Brgy. Tonsuya sa nabanggit na lungsod. Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na si alyas Asiong at dalawa nitong kasama na hindi natukoy ang mga pangalan. Ayon sa imbestigayon, naganap ang krimen dakong alas-12:15 ng madaling-araw kung saan dinukot ang biktima habang naglalakad sa bisinidad ng Flovi Homes 3. Pinaniniwalaang may malaking atraso ang biktima laban sa mga suspek.