Misis itinumba ng tandem

MANILA, Philippines - Napaslang ang 35-anyos na misis matapos ratratin­ ng riding-in-tandem sa bahagi ng Brgy. Parang, Marikina City kamakalawa.

Napuruhan sa leeg at ulo ang biktimang si Sheryl Tan ng Phase 1 Montery Hills, Brgy. Fortune sa nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Charles Pacquing, nabatid na dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang pananambang sa bisinidad ng Tandang Sora St. sa nasabing barangay.

Sa police report, lumilitaw na nagmomotorsiklo ang biktima kaangkas ang kaibigang si Christobelle Medina, 34, nang pagbabarilin pagsapit sa nasabing lugar. Unang napaulat na pamangkin ni Marikina City Mayor Del de Guzman ang biktima pero itinanggi ng alkalde habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments