MANILA, Philippines - Epektibo mula ngayong Abril 1 ang special permit ng mga pampasaherong bus sa Metro Manila para makapasada sa mga lalawigan sa Semana Santa.
Ayon kay Atty. Manuel Iway, boardmember ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang special permit na naipagkaloob ng ahensiya ngayong Semana Santa ay magtatapos hanggang Abril 9 hanggang sa pag-uwi ng mga pamilyang babalik sa Metro Manila mula sa pagbabakasyon sa mga probinsiya.
Aabot sa 800 pampasaherong bus ang napagkalooban ng special permit kung saan mas mataas kaysa noong 2011.
Bukod sa pagkakaloob ng special permit, palagian anyang iikutin ng mga tauhan ng LTFRB ang mga bus terminal upang matiyak na hindi kolorum ang mga papasadang sasakyan sa Semana Santa.