^

Metro

2 Chinese tiklo sa 2 kilo ng shabu

- Nina Joy Cantos at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Dalawang Chinese na bigtime drug trafficker ang inaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Special Reaction Unit (PNP-CIDG-SRU) kasunod ng pagkakasamsam sa may 2 kilo ng shabu sa isinagawang drug-bust operation sa Ma­labon City, ayon sa opisyal kahapon.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao ang mga nasa­koteng suspect na sina An­tonio Go, alyas Ting, 52, ng McArthur Highway, Malabon City at Hua Shi, 24, ng Jose Abad Santos St., Binondo, Manila.

Ang mga ito ay nasakote bandang alas-7 ng gabi noong Miyerkules habang sakay ng Ford Everest SUV (ZAK 237) sa panulukan ng McArthur Highway, Brgy. Potrero, Malabon City.

Nabatid na nagsasagawa ng surveillance operation ang CIDG-SRU hinggil sa umano’y pagkakasangkot sa gunrunning ni Go nang masakote at masamsaman sa loob ng sasakyan ng isang cal. 45 pistol, isang cal 22 magnum revolver at umano’y tatlong malalaking plastic bag na naglalaman ng shabu.

Samantala, dahilan sa pi­nagdududahang dami ng shabu na nasamsam sa na­sabing operasyon ay sinibak ni Pagdilao sina Chief Ins­pector Edgar Batoon at Sr. Inspector Ricardo Luciano, na namuno sa operasyon. Hinihinalang higit pa umano sa 2 kilo ng shabu ang na­kum­piska na nabigong ideklara ng nasa­bing mga opisyal sa kanilang report bagaman binanggit na may nasamsam silang shabu.

Sa press statement na ipinalabas ni Pagdilao kahapon, inatasan nito si Criminal Investigation and Detection Division (CIDD) Chief Sr. Supt. Elmo Sarona na pamunuan ang fact finding investigation upang mabatid kung nagkaroon ng iregularidad sa search operations kabilang na ang hindi pagdedeklara ng tamang timbang sa nakumpiskang shabu sa mga suspect.

CHIEF INS

CHIEF P

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION DIVISION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-SPECIAL REACTION UNIT

DALAWANG CHINESE

DIRECTOR SAMUEL PAGDILAO

EDGAR BATOON

ELMO SARONA

MALABON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with