^

Metro

Number coding suspendido ng 1 linggo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Inihayag na kahapon ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) ang isang linggong suspensyon ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o mas kilala bilang “number coding” sa buong Kamaynilaan.

Nabatid na walang number coding mula Abril 2 (Lunes Santo) hanggang Abril 9 dahil sa paggunita ng Sambayanang Pilipino sa Semana Santa.

Layon ng MMDA na mapabilis ang biyahe ng mga bakasyunista at mga mamamanata sa kani-kanilang mga lalawigan sa maagang pagtanggal sa number coding.

Una nang binuksan ng MMDA ang ‘Oplan Metro Alalay Semana Santa 2012’ o MASS 2012 nitong Marso 23 kung saan tiniyak ang pagbibigay ng tulong ng ahensya sa mga motorista na inaasahang dadagsa sa mga pangunahing lansa­ngan palabas ng Metro Manila­.

Maaari umanong tumawag sa MMDA Metrobase Hotline 136 ang mga motorista para sa traffic updates at paghingi ng tulong habang maaari ring ma­kita sa kanilang Facebook at Twitter­ accounts­ ang takbo ng trapiko.

ABRIL

FACEBOOK

LUNES SANTO

METRO MANILA

METROBASE HOTLINE

METROPOLITAN MANILA DEVE

OPLAN METRO ALALAY SEMANA SANTA

SAMBAYANANG PILIPINO

SEMANA SANTA

UNIFIED VEHICULAR VOLUME REDUCTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with