^

Metro

200 bahay naabo sa sunog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 200 kabahayan ang naabo makaraang sumiklab ang sunog sa isang barangay sa lungsod Quezon kahapon ng tanghali.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, ang sunog ay naganap sa may Area Pulong­ Diablo, Ara­neta Avenue­, Brgy. Tatalon sa lungsod ganap na alas-12:30 ng tanghali.

Sa inisyal na ulat, sinasabing nagsimula ang sunog sa ground floor ng tatlong palapag na bahay ng isang Cristina Abella kung saan bigla na lamang umanong nagliyab ito.

Wala namang sinasabing dahilan ng sunog pero may duda ang mga residente na naiwang sinaing ang naging ugat ng pagsiklab nito.

Umabot sa task force alpha­ ang sunog bago tuluyang ideklarang fire out ito pasado ala-1:30 ng hapon.

Dahil din sa sunog, tu­mindi ang trapik sa bahagi ng Araneta Avenue, at lumuwag lamang ito nang simulang buksan ang bahagi ng na­sabing kalye para madaanan. Dalawang residente ang bahagyang nasugatan, pero wala namang iniulat na nasawi dito.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insidente kung saan tinatayang 500 pamilya ang nawalan ng tirahan habang aabot naman sa P2 milyon ang halaga ng napinsala nito.

ARANETA AVENUE

AREA PULONG

AYON

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CRISTINA ABELLA

DAHIL

DALAWANG

PATULOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with