^

Metro

Chairman Tolentino kinasuhan ng outdoor advertisers

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong kriminal sa Makati Prosecutor’s Office ng isang grupo ng outdoor advertisers si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino dahil sa umano’y iligal na pagbabaklas ng mga billboards ng ahensya.

Kasong paglabag sa Article 239 ng Revised Penal Code o “Usurpation of Legislative Powers” ang isinampa ni Atty. Troy Banez, abogado ng Outdoor Media Advocacy Group (OMAG) laban kay Tolentino.

Nag-ugat ang kaso sa pinirmahang “memorandum of agreement” ng MMDA sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ginamit umano ng MMDA ang naturang MOA para ipatupad ang mga nilalaman ng Building Code of the Philippines na nagresulta sa pagbabaklas ng ahensya ng mga billboards nitong 2011.

Iginiit ni Banez na walang karapatan ang MMDA pati na si Tolentino na gamitin ang naturang memorandum para gawin ang trabaho na dapat ang DPWH ang nagsasagawa.

Una nang iginiit ng OMAG na hindi ang mga billboards ang pangunahing sanhi ng pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila. Mas dapat umanong sisihin dito ang dumaraming sa­sakyan, sira-sirang mga traffic lights, barumbadong mga drivers, walang kaalaman at tatamad-tamad ng mga traffic enforcers at mga sira-sirang kalsada.

BUILDING CODE OF THE PHILIPPINES

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MAKATI PROSECUTOR

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OUTDOOR MEDIA ADVOCACY GROUP

REVISED PENAL CODE

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with