MANILA, Philippines – Inaasahang P1 sa kada kilo ang matatapyas sa presyo ng mga produkto ng Liquefied Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) makaraang ihayag kahapon ang rollback.
Kinumpirma ni LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty ang pagbababa ng P1 kada kilo o P11 sa 11 kilong tangke ng cooking gas na mag-uumpisa dakong alas-12:01 ng hatinggabi.
Ito na umano ang katuparan ng ipinangako nila na pagbaba sa presyo ng LPG dahil sa mas mababang demand sa internasyunal na pamilihan kung saan ito na rin ang ikalawang rollback nila ngayong buwan ng Marso.
Nangangahulugan ito na papalo na lamang umano ang kada kilo ng LPG ng mga miyembro nilang retailers ng P764 kada tangke buhat sa kasalukuyang P775 kada tangke. Mas mababa umano ang kanilang LPG sa mga ibinibenta naman ng mga naglalakihang oil companies sa bansa.