Andal Sr. balik-selda na - BJMP
MANILA, Philippines - Matapos na manatili sa military hospital, balik kulungan si Andal Ampatuan Sr., ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) director Rosendo Dial.
Si Andar Sr., ay pangunahing suspect sa kaso ng Maguindanao massacre ay inilabas na sa AFP Medical Center sa Quezon City kahapon ng umaga base sa kautusan ng korte na may hawak dito.
Sinabi ni Dial na bago idiretso sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, idadaan muna ito sa Philippine Heart Center para isailalim sa cardiogram examination.
Ayon pa kay Dial, base sa naging rekomendasyon ng doktor ni Andal Sr. sa AFP Medical Center kailangang suriin muna ang puso nito at tiyaking nasa maayos na kondisyon bago ibalik sa kulungan.
Matatandaang Marso 9 nang isugod sa Taguig Pateros District Hospital ang matandang Ampatuan matapos na magsuka ng dugo at kalaunan ay inilipat sa AFP medical center.
Dito ay nakita ng mga doktor na may pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease at chronic alcoholic liver disease ang matandang Ampatuan.
Si Andal Sr. ay kabilang sa 196 na akusado na nahaharap sa kasong multiple murder case na naka-pending sa Regional Trial Court branch 221 sa lungsod Quezon.
- Latest
- Trending