^

Metro

Tomboy tumungga ng lason

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pa­mamagitan ng pag-inom ng silver cleaner ang isang 17-anyos na tomboy matapos makipagkalas ang girlfriend sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Charmaine Elvira Villarba, ng Aguila St., Tondo at crew sa isang burger stand.

Sa ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12:08 ng ma­daling-araw nang madiskubre ang pag-inom ng nasabing kemikal ng biktima sa loob ng isang silid sa Conchita St., Tondo.

Ito’y matapos lamang umanong makipagtalo sa kanyang girlfriend na si Mari­car Gaston, 19, kasamahan sa trabaho ng una hinggil sa umano’y plano ng una na umalis na ito sa trabaho dahil maliit ang kanilang suweldo.

Pilit umanong isinasama ng nasawi si Maricar subalit tumanggi ang huli na nag­resulta sa kanilang mainitang pagta­talo at humantong sa kanilang break-up.

Hindi umano nagtagal, nakita na lamang ng isang bata na may iniinom ang biktima at isinumbong ito kay Maricar.

Nang puntahan ay na­kitang bumubula ang bibig nito kaya agad na dinala sa nasabing pagamutan kung saan sinubukang iligtas su­balit agad ding binawian ng buhay.

vuukle comment

AGUILA ST.

BERNARDO CAYABYAB

CHARMAINE ELVIRA VILLARBA

CONCHITA ST.

GASTON

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

IDINEKLARANG

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARICAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with