Killer ng estudyanteng inagawan ng PSP sa Taguig, timbog

MANILA, Philippines - Hawak na ng pulisya ang pangunahing suspek sa pamamaril at pamamaslang sa honor student na nakatakdang magtapos ngayong buwan matapos ang walang humpay na manhunt operations ng Taguig City Police.

Tumanggi naman si Taguig City Police chief, Sr. Supt. Tomas Apolinario na pangalanan ang naturang suspek dahil sa nagsasagawa pa sila ng manhunt operation upang madakip ang kasamahan nito.

Malaking tulong umano sa kaso ang agad na pagkakarekober sa Honda Jazz mot orcycle na gamit ng mga salarin sa krimen dahil sa maaaring makakuha ng mga ebidensya na makapagtuturo sa mga ito.

Matatandaan na dalawang beses binaril at napatay ng dalawang salarin ang 15-anyos na si Rowell Cruz, 4th year high school sa Signal Village National High School, sa tapat ng kanyang bahay sa may Brgy. Central Signal Village kamakalawa ng gabi. Nakatakda sanang mag­tapos ang biktima sa susunod na linggo bilang 1st honorable­ mention ng kanilang paaralan.

Ito’y makaraang makipag-agawan umano si Cruz sa mga salarin sa inaagaw sa kanya na PSP at cellphone.

Ipinatawag naman ni Apolinario ang mga nakasaksi sa krimen kabilang ang kapatid ng biktima na si Reynald upang kilalanin ang suspek na kanilang nadakip.

Show comments