^

Metro

3 UP student tinubo ng mga naka-bonnet sa loob ng campus

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlong estudyante ng University of the Philippines Diliman ang sugatan makaraang paghahatawin ng tubo ng tinatayang aabot sa 8 hanggang 10 kalalakihang nakasuot umano ng bonnet sa loob mismo ng nasabing unibersidad, bago tinangay ang kanilang mahalagang gamit, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang mga biktima na sina Patrick Jacob Lledo, 20; Prince Johannes Lledo, 18; at Nicolas Patrick Bel­tran, 18; pawang mga es­tudyante sa nasa­bing uni­bersidad.

Ayon kay SPO2 Francis Escobido, patuloy pa nilang iniimbestigahan ang kaso, partikular ang sasakyang ginamit ng mga suspect na kulay silver at light blue na Honda CRV, pero hindi naplakahan, para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito sa kabila ng pawang mga nakasuot ang mga ito ng bonnet.

Nangyari ang insidente sa harap ng gusali ng UP College of Law, UP campus Diliman sa lungsod ganap na alas-4:25 ng hapon.

Sinasabing papasakay na sana ang mga biktima sa Toyota Altis (XSW-951) nang biglang sumulpot ang kotse ng mga suspect.

Agad na nagsipagbabaan ang mga suspect na pawang mga nakabonnet at armado ng tubo, kung saan ang isa sa mga ito ay may dala ring baril, saka inatake ang mga biktima ng palo sa buong katawan.

Dahil kakaunti, walang nagawa ang mga biktima sa mga suspect, hanggang sa magawa nilang makaalpas sa mga huli palayo sa iba’t ibang direksyon.

Tinangka pang habulin ng ilan pang mga suspect ang mga biktima, habang ang iba naman ay binasag ang salamin ng kotse ng mga huli saka kinuha ang gamit ng mga ito sa loob na kinabibila­ngan ng isang dell laptop compu­ter (P45,000); dalawang tactical flash lights (P16,000); dalawang Judogi para sa Judo training (P6,000); Jansport bag na naglalaman ng mga dokumento, bago nagsipagtakas.

Patuloy ang pagsisiyasat ng CIDU sa nasabing insi­dente.

COLLEGE OF LAW

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

FRANCIS ESCOBIDO

NICOLAS PATRICK BEL

PATRICK JACOB LLEDO

PRINCE JOHANNES LLEDO

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

TOYOTA ALTIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with