Kelot utas sa pamamaril ng tanod

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos na barilin ng isa umanong nakaalitang ba­rangay tanod sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Ramon Ungkal, 56, ng Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Tugis naman ngayon ng pulisya ang tumakas na suspect na nakilala lamang sa pangalang Johnny Buce na sinasabing miyembro ng Barangay Public Safety Of­ficer (BPSO) ng Brgy. Ba­tasan Hills.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa Taniman St. Gloria D Ext. Brgy Ba­tasan Hills ganap na alas-10:40 ng gabi.

Naglalakad umano pa­uwi ang biktima nang maka­salubong nito ang suspect hanggang sa hindi inasahan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Sa kainitan ng pagta­talo ay nagbunot umano ng patalim si Ungkal at ti­nangkang saksakin ang suspect, pero agad na nahawakan ng huli ang kamay ng una sanhi para magpambuno sila sa patalim hanggang sa maagaw ito ng huli.

Matapos maagaw ang patalim ay nagbunot naman ng baril si Buce at pinaputukan ang bitikma, saka mabilis na tumakas.

Nagawa pang isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima subalit bina­wian din ito ng buhay.

Show comments