Bebot tumalon sa flyover, lasog

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang hindi nakikilalang bebot makaraang tumalon sa flyover ng Shaw Boulevard, Mandaluyong City kamaka­lawa ng gabi.

Inilarawan ang biktima na nasa edad na 25-30, may taas na 5’4-5’5, ka­tamtaman ang panga­nga­tawan, nakasuot ng short at t-shirt.

Nabatid sa Mandalu­yong police na dakong alas-8:00 ng gabi ng mapansin umano ng mga nagdaraang tao ang pag-akyat ng biktima sa bakal na nagsisilbing harang ng flyover.

Sinasabing may mga pumigil sa biktima pero hindi umano nito pinansin na tila walang naririnig at malalim ang iniisip.

Ayon sa pulisya, nang makarating sa itaas ang biktima ay bigla itong tumalon at bumagsak sa sementa­dong kalsada na sanhi upang magkalasug-lasog ang kan­yang mga buto at muntik na rin masagasaan ang kan­yang katawan ng mga nag­da­raang mga sasakyan.

Hindi kilala sa lugar ang biktima kaya walang makapagsabi sa mga residente ng Barangay Wack-wack kung sino ito na hi­nihinalang may mabigat na problema na hindi na nakayanan kaya naisipang magpakamatay.

Nagsasagawa pa ng ma­susing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Show comments