^

Metro

Chief ng Caloocan fire, sinibak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sinibak na sa puwesto ang hepe ng Caloocan City Fire Station bunga ng 80 oras na sunog na tumupok sa Ever Gotesco Grand Central Mall kamakailan.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Jesse Robredo, si Chief Insp. Oscar de Asis ay inalis sa puwesto bilang tugon sa panawagan ng mga tenants ng mall dahil sa alegasyong rumesponde ito sa sunog na nasa impluwensya ng alak.

Bukod dito, nakita rin umano si De Asis kasama ang tauhan na nag-iinuman umano sa isang bar sa 10th Avenue bago magsimula ang sunog.

Gayunman, itinanggi ni De Asis ang alegasyon sa pagsa­sabing plano lamang ito ng ibang opisyal na nagnanais na maupo sa kanyang puwesto.

Sinabi ni Robredo na hi­ni­­ling niya kay de Asis na pan­samantalang magbakasyon habang isinasagawa ang imbes­tigasyon sa pinakamahabang sunog na naganap sa Metro Manila.

Alas-7 ng gabi nitong Martes nang ideklarang fire out ang sunog sa naturang mall, matapos na magsimula itong tupukin noong Biyernes ng gabi.

ASIS

AYON

BIYERNES

CALOOCAN CITY FIRE STATION

CHIEF INSP

DE ASIS

EVER GOTESCO GRAND CENTRAL MALL

JESSE ROBREDO

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with