Writ of Amparo kay Gatdula, inutos ng korte
MANILA, Philippines - Inutos ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang pagpapatupad ng Writ of Amparo matapos na katigan ang petisyon ni dating National Bureau of Investigation (NBI) director Magtanggol Gatdula na humihiling na maprotektahan siya at ang kanyang pamilya dahil na rin sa mga banta sa kanyang buhay.
Ang nabanggit na kahilingan ay may kaugnayan pa rin sa umano’y pananambang kay NBI deputy director Reynaldo Esmeralda.
Sa apat na pahinang kautusan ni Manila Silvino Pampilo Jr., ng Branch 26, inatasan nito ang Philippine National Police-Police Security Protection Group na protektahan si Gatdula at kanyang pamilya mula kay Justice Secretary Leila de Lima, NBI OIC Nonato Rojas at NBI deputy director Reynaldo Esmeralda.
Ipinag-utos din ng korte na mainspeksyon ang sasakyan ni Esmeralda na pinagbabaril habang sakay ito at maganap ang umano’y ambush noong nakaraang buwan sa Paco, Maynila kung saan isinangkot si Gatdula na siyang mastermind sa insidente.
Itinanggi naman ni Gatdula na may kinalaman ito sa pananambang kay Esmeralda.
- Latest
- Trending