Mister nagbigti dahil sa kahirapan
MANILA, Philippines - Kamakalawa lamang, isang ginang ang nagbigti sa loob ng kanyang bahay dahil sa problemang hindi mabayarang 3-buwang renta sa bahay sa Maynila.
Kahapon isa namang mister ang nagbigti sa stockroom ng kanilang bahay dahil umano sa kakapusan ng pera para sa maraming gastusin ng pamilya, sa Malate, Maynila.
Hinihinalang may ilang minuto nang patay bago pa nadiskubre ng kanyang maybahay si Hariz Wariza, 39, mekaniko, residente ng Singalong, Maynila.
Ayon sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang madiskubre ng misis na si Donna Wariza, 39, ang nakabiting mister.
Ang nasabi lamang ng misis, nahihirapan ang asawa sa kaliwa’t kanang gastusin at hindi umano kasya sa pamilya ang kinikita nito bilang mekaniko.
Tumanggi naman ang pamilya na isailalim sa awtopsiya ang katawan ng biktima dahil naniniwala silang walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.
- Latest
- Trending