^

Metro

Death penalty dapat ibalik - Lim, 2 pa

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Dahil sa pagdami ng mga karumal-dumal na krimen sa bansa, pabor si Manila Mayor Alfredo Lim sa pagbabalik ng death penalty.

Ayon kay Lim, sa kasa­lukuyang batas, habambuhay na pagkabilanggo lamang ang parusa sa mga magkakasala ng  matinding krimen kung kaya’t tila hindi natatakot ang mga ito  na  gumawa ng  masama.

Ang  posisyon ni Lim ay  kinatigan din nina  1st District Councilor Niño dela Cruz at City Admi­nistrator Jesus Mari Marzan kung saan sinabi ng mga ito na ang death penalty ang pinakamabisang paraan o deterrent upang mabawasan ang mga krimen tulad ng  panggagahasa, pagpatay, kidnapping at ibang heinous­ crime.

Sa kanilang pagdalo sa  ika-55 taong ani­ber­saryo ng kamata­yan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay, Jr., sinabi nina Lim, dela Cruz at Marzan, masyado umanong  malabnaw ang  justice system sa bansa kung kaya’t hindi nabibig­yan ng  hustisya  ang mga pamilya ng  mga biktima.

Sinabi ng mga ito na kabi-kabila at sunud-sunod­ ang kaso ng pang­­gagahasa  at pamamaslang sa mga paslit sa Kalakhang Maynila subalit hindi napaparusahan ng   maayos ang mga salarin.

Samantala,  sinabi naman ni Lim na nagi­ging makabuluhan at nagkakatotoo  ngayon ang  State of the Nation (SONA) ni Magsaysay noong Enero­ 15, 1954. Aniya, ito nga­yon ang  ginagawa  ni Pa­ngulong Benigno Aquino III kung saan ang mga  may kasalanan ay iniimbestigahan at sinasampahan ng kaso.

Naniniwala si Lim na kung  buhay si  Magsaysay, maayos at malinis ang bansa at walang minamanang problema  ang Pangulong Aquino.

BENIGNO AQUINO

CITY ADMI

CRUZ

DISTRICT COUNCILOR NI

JESUS MARI MARZAN

KALAKHANG MAYNILA

MAGSAYSAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with