^

Metro

Mall sa Caloocan natupok

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa milyong halaga ang mga ari-ariang naabo ma­tapos tupukin ng ma­lakas na apoy ang isang shopping mall sa Caloocan City kama­kalawa ng gabi.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa maideklarang fire out ng Bureau of Fire Protection ang sunog na nagsimula dakong alas-10:30 kamakalawa at tumupok sa Ever Gotesco Grand Central na mata­tagpuan sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension ng nasabing lungsod. 

Sa paunang imbes­tigasyon, nag-umpisa ang sunog sa outlet ng Rusty Lopez, na mata­tagpuan sa unang palapag ng naturang shopping mall hanggang sa kumalat ito sa buong gusali.

Nabatid na nahirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy dahil napuno ng usok ang loob ng gusali maging ang  paligid nito.

Dahil sa insidente, ilang kabahayang ma­lapit sa naturang shopping mall ang na­pilitang lumikas sa pa­ngamba na madamay sa sunog. Umabot sa Task Force Delta ang sunog.

Nagdulot din ng sob­rang sikip ng daloy ng trapiko sa Monumento ang sunog.

Gayunman, hindi na­apektuhan ang operas­yon ng  Light Rail Transit (LRT) Line 1.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CALOOCAN CITY

DAHIL

EVER GOTESCO GRAND CENTRAL

GAYUNMAN

LIGHT RAIL TRANSIT

RIZAL AVENUE EXTENSION

RUSTY LOPEZ

SHY

TASK FORCE DELTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with