^

Metro

Pinoy na contact ng African Drug Syndicate, timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Matapos maaresto ang dalawang Ghanaian national na miyembro ng African Drug Syndicate, natimbog na rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang umano’y kontak nilang Pinoy para sa pagta-transport ng iligal na droga sa bansa, iniulat kahapon.

Kinilala  ang suspect na si Nabral Abdulah Mansul, 25, tubong Zamboanga City, na siya umanong dapat na tatanggap ng shabu package mula sa Ghanaian-couriers.

Si Mansul ay naaresto sa isang follow-up operation na ginawa sa isang hotel sa Mandaluyong City ganap alas-4:30 ng hapon.

Sa pagkakaaresto sa mga foreign drug couriers at kanilang conspirators sa bansa, naniniwala ang  PDEA na ang naturang mga ADS members ay nakapag-establish ng international networks ng kanilang mga miyembro na may kanya-kanyang tungkulin sa tatlong level ng herarkiya.

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SYNDICATE

KINILALA

MANDALUYONG CITY

MATAPOS

NABRAL ABDULAH MANSUL

PINOY

SI MANSUL

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with