^

Metro

Cashier ng gas station todas sa holdap

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pumalag umano sa holdap ang isang 33-anyos na kahero ng isang gas station kaya pinagsasaksak ito ng isa sa tatlong lalaking holdaper na nagsanhi sa kanyang kamatayan sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng 6 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Silverio Barbin Jr., ng Asuncion Extension, Tondo, Maynila.

Nailarawan naman ang mga suspect sa edad na mula 26 hanggang 30, may taas na 5’3’’ hanggang 5’8’’, pawang semi-kalbo ang gupit, katamtaman ang katawan at pawang armado ng patalim.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:10 ng madaling-araw nang salakayin ng mga suspect ang Shell gasoline station sa R-10 Vitas.Tondo, Maynila.

Nagulat umano si Barbin nang biglang lapitan ng tatlo at nagdeklara ng holdap.

Nang pumalag umano ang kahero ay inundayan na ito ng saksak sa katawan at nang humandusay ay kinulimbat na ng mga suspect ang pera sa kaha. Tumakas na ang mga suspect sa direksiyon ng Aroma Temporary housing, R-10 Vitas,Tondo, Maynila at isinugod sa paga­mutan ang biktima kung saan nalagutan ng hininga.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang grupong responsable sa holdapan at pagpatay sa biktima.

AROMA TEMPORARY

ASUNCION EXTENSION

AYON

BARBIN

MAYNILA

NAGTAMO

NAGULAT

NAILARAWAN

SILVERIO BARBIN JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with