^

Metro

Engineer pinatay, suspect nag-suicide

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tinadtad muna ng bala ng isang lalaki ang kanyang pinsan bago ito nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili dahil lamang sa alitan sa parking lot sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Kapwa patay ang magpinsang sina Noel Inocentes, 55, isang retiradong inhinyero at Edgardo Bassig, 52, kapwa residente ng A. Luna St., Barangay Poblacion, Mandaluyong City.

Labing-isang tama ng bala mula sa isang kalibre .38 na baril ang tumapos sa buhay ni Inocentes habang nagtamo naman si Bassig ng tama ng bala sa tiyan at leeg.

Batay sa ulat ni PO2 Jesus Busadre III ng  Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa tapat ng bahay ng magpinsan.

Nauna rito, kadarating lamang umano ni Inocentes at walang paalam na nagparada ng kaniyang sinasakyang kotse sa parking lot na pag-aari ni Bassig. Ikinagalit umano ni Bassig ang ginawa ni Inocentes sanhi upang sitahin niya ito na nauwi sa mainitang pagtatalo. Nagdilim umano ang paningin ni Bassig at pinagbabaril ang pinsan bago nagbaril sa sariling tiyan at leeg na tumagos sa mukha at siyang ikinasawi nito.

Ayon mismo sa anak ni Bassig na si Mau, matagal nang pinag-aawayan ng magpinsan ang naturang parking lot,  na pagma-may-ari umano ng kanyang ama ngunit mistulang ‘naghahari-harian’ umano si Inocentes sanhi upang mapuno at hindi na makapagpigil si Bassig at mapaslang ito.

Sinabi ni Busadre na nahuli sa isang Closed-Circuit Television (CCTV) camera ang buong insidente ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin kumbinsido ang pamilya Bassig na nagbaril ang kanilang ama. Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BASSIG

CLOSED-CIRCUIT TELEVISION

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

EDGARDO BASSIG

INOCENTES

JESUS BUSADRE

LUNA ST.

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with