^

Metro

2 patay sa pamamaril sa Caloocan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi makaraang pagbabarilin ng kani-kanilang mga kaaway sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City kamakalawa.

Unang naganap dakong alas-12:45 kamakalawa ng madaling-araw ang pamamaril sa biktimang si Marlon Esguerra, 31, ng Phase 10, Bagong Silang. Naisugod pa ito sa Jose Rodriguez Hospital ngunit hindi na rin umabot ng buhay.

Nabatid na lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima nang pagsapit sa may Phase 2 Road, Bagong Silang ay biglang sumulpot ang salarin na nakilala sa alyas na Boy Tato at bigla na lamang itong pinaputukan.

Sapul ang biktima sa katawan sanhi upang sumemplang ito at sumalpok sa steel grill ng isang bakery sa naturang lugar bago humampas ang ulo sa semento. Mabilis namang tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

Nabatid na may kapwa nililigawang “guest relation officer (GRO)” sina Esguerra at ang salarin kung saan nakaiskor ang biktima sa da­laga. Dito nagalit ang salarin na sinasabing isang kilalang siga sa Bagong Silang.

Dakong alas-11:30 kamakalawa naman ng gabi nang pagbabarilin rin si Dennis Tumbocon, 27, ng Lascano St., Brgy. Tugatog, Caloocan ng mga suspect na nakilala sa alyas Nono at Amay Tolentino, kapwa ng Bisig ng Nayon, Caloocan City.

Nakikipag-inuman ang biktima malapit sa kanilang bahay nang lapitan ng dalawang suspect at sunud-sunod na pagbabarilin ito bago mabilis na nagsitakas. Isinugod pa sa Pagamutan Lungsod ng Malabon si Tumbocon ngunit namatay rin dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng mukha. 

vuukle comment

AMAY TOLENTINO

BAGONG SILANG

BOY TATO

CALOOCAN CITY

DENNIS TUMBOCON

JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

LASCANO ST.

MARLON ESGUERRA

NABATID

PAGAMUTAN LUNGSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with