^

Metro

7-anyos todas sa rape ng 2 adik

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Luwa ang mga mata, wasak ang ari at puwet habang may lubid pa sa leeg nang matagpuan na walang saplot sa pang-ibaba ang isang 7-taong gulang na batang babae sa maliit na silid ng isang apartment sa Sta. Mesa, Maynila, kamaka­lawa ng gabi.

Sa ulat nina SPO1 Charles John Duran at SPO2 Ed Cabal ng Manila Police District-Homi­cide Section, dakong alas-11:00 ng gabi kamaka­lawa nang madiskubre ang bangkay ng paslit ng dalawang tenant ng apartment at inireport ito sa awtoridad.

Nang imbestigahan, na­datnan ang walang buhay na biktimang si Ernieca Abando, grade 1 pupil sa F. Ma. Guerre­ro Elementary School, at residente ng 1502 Fabie­ St., Sampaloc, Maynila sa kalunus-lunos na sitwas­yon sa isang silid sa ika-apat na palapag ng #1093 Pat Antonio St., Sta. Mesa. Tanging sando na kulay puti ang suot at walang saplot pang-ibaba habang binusalan pa ng damit ang bibig ng biktima.

Lumuwa rin ang mga mata, duguan ang puwet at ari at may na­kapulupot na kulay pulang lubid sa leeg ng paslit.

Agad namang ikinasa ang follow-up ope­ration sa pamumuno ni SPO2 Cabal at dakong alas-4:00 ng madaling-araw kahapon ilang oras lamang matapos ang karumal-dumal na krimen ay nadakip ng mga operatiba ng MPD-Homicide Section ang mga suspect na kinilalang sina Cecilio Bacolo Jr., alyas “June-June”, 19, at bedspacer sa bahay ng biktima at Roderick Soliveres, alyas “Molong” 28, ng 7th St. Paco, Maynila. Kapwa pedicab driver at parehong miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang.

Sa imbestigasyon, alas-9:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng inuupahang silid ng kaibigan ni Soliveres.

Ayon kay Bacolo, umi­inom siya sa labas ng bahay ng biktima dakong alas-8:00 ng umaga­ ng Biyernes nang dumating si Soliveres at nagtanong tungkol sa bata dahil gusto umano niya itong bigyan ng tinapay.

Pagsapit ng alas-9:00 ng umaga ay inutusan umano ni Soliveres si Ba­colo na tawagin ang biktima at hinimok na sumama sa kanila upang doon pakainin ng tinapay.

Batay sa pahayag ng tenant na si Riza Escoto, nakita niyang papaakyat sa 4th floor sa loob ng apartment ang dalawang suspect at kasunod ang batang babae bandang alas-9:00 ng umaga.

Nang umalis umano ang mga suspect ay nakita ni Escoto na hindi na ka­sama lumabas ang bata. Wala umanong narinig na sigaw o iyak ng bata dahil pinasakan ng damit ang bibig nito.

Aminado si Soliveres na dalawang beses niyang ni-rape ang bata habang isang beses naman si Bacolo na nagsabing na­demonyo siya nang makitang nakahiga ang bata.

Sinabi pa ni Bacolo na si Soliveres ang pumatay sa paslit.

Nang makaraos ay inutusan umano ni Soli­veres si Bacolo na kumuha ng nylon cord at ito ang gi­namit sa pagbigti sa biktima, bago nila ito iniwan sa kuwarto.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang dalawa sa kasong rape with homicide.

vuukle comment

BACOLO

CECILIO BACOLO JR.

CHARLES JOHN DURAN

ED CABAL

ELEMENTARY SCHOOL

MAYNILA

NANG

SHY

SOLIVERES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with