^

Metro

Ama, anak, 1 pa utas sa tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlo katao kabilang ang isang dating police asset at anak nito ang nasawi makaraang paulanan ng bala ng mga nakamotorsiklong suspect sa lungsod Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Ayon sa ulat, ang mga biktima ay nakilalang sina Fernando Corpuz, 44; ang anak nitong si Fernan Luis, 20, 3rd year criminology student at isang Simplicio Yoma, 48.

Ayon kay SPO1 Joelito Gagaza, mabilis na tu­makas ang mga suspect na kapwa naka-bonnet sakay ng tig-isang motorsiklo matapos ang naturang pamamaslang.

Nangyari ang insidente sa may Sto. Rosario at St. Paul Sts., Brgy. Holy Spirit pasado alas-12 ng ma­daling-araw

Bago ang insidente, nag-uusap ang matandang Corpuz at kaibigan nitong si Yoma sa isang tindahan sa naturang lugar nang dumating ang batang Corpuz sakay ng kanyang motorsiklo.

Pagsalubong ng matandang Corpuz sa kanyang anak ay bigla namang sumulpot ang mga suspect na nakamotorsiklo din at biglang pinaulanan ng bala ng una.

Sa kabiglaan ay nagtatakbo papalayo ang batang Corpuz at isa pang biktima pero hinabol sila ng mga suspect at muling­ pina­ulanan ng bala sa katawan.

Sinabi ni Gagaza, asset umano ng police ang nasabing biktima at sa dami ng basyo ng bala na natamo nito ay indikasyon na ma­tindi ang galit sa kanya at hindi talaga ito bubuhayin.

Kinumpirma naman ito ni Marilou, asawa ni Fer­nando, pero wala naman daw nababanggit ang kanyang asawa na kagalit ito para maging ugat ng pagpatay. Maaari rin umanong ang dalawang biktima ay na­damay lamang sa pamamaril kay Corpuz.

Patuloy naman ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

AYON

BRGY

CORPUZ

FERNAN LUIS

FERNANDO CORPUZ

HOLY SPIRIT

JOELITO GAGAZA

SHY

SIMPLICIO YOMA

ST. PAUL STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with