Gasoline station hinoldap
MANILA, Philippines - Nalimas ang magdamag na kita ng isang sangay ng Shell gasoline station makaraang holdapin ito ng isang armadong lalaki, iniulat kahapon.
Sa ulat ng Quezon City Police Station-3, ganap na alas-3 ng hapon nang holdapin ng suspect ang Shell gasoline station sa may Brgy. Baesa sa lungsod.
Ayon sa report, kasalukuyan umanong nagbibilang ng pera ang kahera ng nasabing gasolinahan na si Marielyn Hermano nang biglang lapitan ng suspect at tutukan ng baril sabay deklara ng holdap. Sa takot ng biktima ay agad nitong ibinigay sa suspect ang may P5,000 na kinita ng nasabing gasolinahan sa buong maghapon.
Matapos makuha ang pakay ay agad na tumakas ang suspect. Patuloy naman ang imbestigasyon ng awtoridad kaugnay sa insidente.
- Latest
- Trending