^

Metro

3-anyos utas sa sunog

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang 3-anyos na batang babae ang nasawi matapos makasamang matupok sa sunog makaraang maiwang natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, kamakalawa sa Malabon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Yuchi Nokubo, ng Sitio 6, Brgy. Catmon ng nabanggit na lungsod.

Samantala, nadamay din ang may 20 kabahayan sa naganap na sunog.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng Malabon City Fire Department, dakong alas-4:00 ng hapon nang magliyab ang bahay ng pamilya Nokubo dahil sa faulty electrical wiring.

Mabilis na kumalat ang apoy at hindi na naisalba ang biktima na natutulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Dakong alas-5:45 ng hapon nang maapula ang sunog.

BRGY

CATMON

DAKONG

ISANG

KINILALA

LUMALABAS

MALABON CITY

MALABON CITY FIRE DEPARTMENT

YUCHI NOKUBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with