^

Metro

2 utas sa pamamaril ng riding-in-tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang lalaki at isang babae ang nasawi sa magkasunod na insidente ng pamamaril ng riding in tandem sa magkahiwalay na lugar sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat ng Quezon City police nakilala ang nasawing lalaki na si Vicente Maglente, 28, residente ng Senatorial Road, Brgy. Batasan Hills, ang bebot naman ay nakilala lamang sa pangalang Grace may taas na 5’2’’ nakasuot ng kulay pula na t-shirt at asul na short pants at may tattoo­ sa magkabilang binti.

Nangyari ang unang insidente ng pamamaril kay Maglente sa may kanto ng Senatorial Road at San Mateo Road, Brgy. Batasan Hills ganap na alas-12 ng hatinggabi. Naka-istambay umano ang biktima sa naturang lugar nang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang mga suspect at pagbabarilin ang una. Dead-on-the spot sa lugar si Maglente dahil sa dami ng tama ng bala na tinamo.

Alas-3:00 ng madaling-araw naman ng matagpuang walang buhay si Grace sa harapan ng isang bahay sa Lanao St. Salaam Compound Brgy Culiat sa lungsod.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng baril sa bibig na tumagos sa batok nito na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

Bago ang insidente, ilan umanong putok ng baril ang narinig ng mga residente sa lugar na sinundan naman ng pagharurot ng isang motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa magkahiwalay na insidente.

vuukle comment

BATASAN HILLS

BRGY

ISANG

LANAO ST. SALAAM COMPOUND BRGY CULIAT

MAGLENTE

NAGTAMO

QUEZON CITY

SAN MATEO ROAD

SENATORIAL ROAD

VICENTE MAGLENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with